Friday, July 2, 2010

Si Kuya Duane Part-1..

Hi! First time kong gumawa ng Blog.. Hndi ko alm ung ibng bagay about dito. pero gus2 ko sanang ishare sa inyo itong story ko.. Sa piling ng 1st love ko..

Ako nga pala si Vince Bata pa ako, nawalan na ko ng magulang.. Sa edad na 3 ta0ng gulang namatay ang tatay ko. Umalis naman ang nanay ko papuntang ibang bansa, para mag hanap ng trabaho at para matustusan ang gastusin naming magkakapatid sa araw araw. 3 kaming magkakapatid ako ang bunso. Lumaki ako na maraming bagay bagay ang hindi natutunan.. Tulad s gawaing bahay. Ate ko ang syang gumagawa ng lahat. Nagalaga sa amin kahit na alam kong nahihirapan sya..
Lumaki kami na sama sama kaming tatlo na umaasa lang sa perang pinapadala sa amin buwanan..

Lumipas ang panahon nawalan kami ng komunikasyon sa aming ina. Nahirapan kami mamuhay, ng aaral ng kolehiyo ang ate ko, napilitan syang mg workng student para hindi sya mahinto sa pag aaral. At ang isa ko pang kapatid naman ay dahil siguro sa kinamulatang buhay, kulang sa atensyon kaya nagrebelde at hindi makatapos ng pag aaral. Ako naman malapit ng magtapos ng high school.

Taong 2007, nang makatapos ako ng high school.. Naghanap ako ng kakilala na baka nangangailangan ng kasama o boy na makakatulong nila. Alam ko hindi ako makakapag aral kaya mg tratrabaho nalang muna ako.

Isang araw, sa bahay namin pumunta ang isa sa kabarkada ko na si Joe..
"..vince..vince.." cgaw niya
"oh bakit?"tugon ko
"..may tiyahin ako na naghahanap ng boy sa kanyang tindahan..kaya nirekominda kita.."
"talaga!!saan daw' salamat tol'.."
"sa cavite..bukas na bukas pwede ka ng lumuwas..ihahatid ka dun ng tito ko.."
"salamat talaga tol!!' makakahanap na ko ng trabaho kahit panandalian lang.."
"walang anuman.. Mag kaibigan tayo eh! Geh bukas nalang..mag ayos ka na ha! Alis na ko..!"
"..0h..cge salamat ulit ha.."

Agad na inayos ko ang aking gamit para sa kinabukasan..nag paalam ako sa ate ko at agad nya akong pinayagan..

-ITUTULOY-

No comments:

Post a Comment